Sunday, September 30, 2007

Riding in de-padyak with boys.

Isa, Dalawa, Tatlo.
Kanina pa ako nakatitig dito sa kalendaryong may drawing na full moon at half moon. Lintik na, pakialam ko ba kung kailan ang high tide at low tide? Punyeta, di naman ako nakatira sa Malabon. At ano naman ang silbi ng mga Chinese characters dito? Nakalathala ba dito ang history ng mah-jong?

Kanina ko pa gusto tanungin tong kalendaryo kung kailan kami magpapang-abot ng regla ko eh. Ano ba? Walanghiya talaga, parang gusto kong magdasal na early menopause ang diagnosis sa kalagayan ko.

Lunes at ala-sais na ng umaga. Number one sa aking routine, MALIGO.

Sa banyo, nakapikit ang mata ko tuwing tatanggalin ko ang salawal ko para surprise kung ano mang imahe ang makikita ko sa gitna. Shit, baka may apparition pa sa panty ko. (sabay in the name of the father, son and holy ghost)

Dahan-dahan kong binaba ang aking salawal (an activity which entails a slow grinding of my lower extremities). Dumulas from my hips to my pelvis… down to my thighs then it hit my knees. TANGINA! malinis.

Makaihi nga, baka di lang gumana ang gravity ni Mother Earth. Uupo sa inidoro. Iihi. Tatayo. Titingin sa likod. Dilaw. Minsan nag-iimagine akong may parang pula na linya. Kukusutin ko ang mata ko. Tititig ulit sa inidoro. Wala, dilaw lang talga. Tangina!!! Buntis ba ako? Sabay hagod sa tyan. Baby? Nako, maghihilod na lang ako. Sarap ikuskus nitong papaya soap sa tuyong upo. Ay, upo nga ba yun o sayote? Basta gulay. Bakit parang ang laki ng tyan ko ngayon? Di naman ako nag-almusal at hindi rin naman ako kinakabag. Bahala na.

Sa kalsada, ang tagal ng jeep eh ala-shite na. Ang init. Tirik na tirik na agad ang araw. Bakit parang nahihilo ako? Hala, para akong naduduwal. Gusto ko bigla ng Guyabano. Nakakakaba naman.

Sa office. Nakakalimutan kong buntis ako sa dami ng trabaho.

Tanghalian, Gutom na gutom ako. Kakalimutan ko muna ang diet ko, baka sakaling may taong nangungupahan sa tyan ko. Chicken churva, kanin at chocolate cake. Solve.

Pag-uwi sa bahay. Gusto kong manigarilyo kaso mapapahawak ako sa tyan ko. Ayoko naming maging unhealthy ang sanggol sa sinapupunan ko. Leche!! Aakyat na agad ako sa kwarto ko at baka makita pa ako ng nanay ko, matanong pa ako kung bakit lumalapad ang hips ko.

Ang hirap matulog. At ang daming gumugulo sa isip ko…
Paano na lang nga kung buntis ako?
Gusto ko ang pangalang Likha o kaya Sinag Tala pag babae. Pag lalake naman, Eulie or Mackenzi.
Mahal na ba ang promil ngayon? Lintik, dapat hindi ko tinapon yung Calendar na pinamimigay ng Mercury Drug every January. Yung may mga stubs para maka kuha ka ng discount sa kanilang products. Sayang, yung tiki-tiki at cherifer.
Mawawalan akong trabaho. Maririnig ko ang mga katagang “you’re fired!” sa tonong Donald Trump.
Magagalit ang mga kamag-anak ko. Tatawagin akong disgrasyada.
Ilulublob ng nanay ko ang mukha ko sa putikan habang binibigkas ang mga katagang “you’re a whore! You’re a motherf*^kin slut! Get out of my sight biatch!”. Sabay tanggal sakin sa family tree.
Hindi na ako ang magmamana ng mansion namin sa Tagaytay Highlands “your home for all seasons”. Ang mga luxury cars namin, si chedeng, si chevy , si audi at si pareng ford lahat mapupunta sa ampon naming si Bogart.
Joke Lang. Hindi totoo na mayaman kami, payak lang pala ang buhay namin at hindi nagmumura ang nanay ko. Nagrerenta lang kami ng apartment at wala kami ni gulong ng “owner-type-jeep”. Nakatulog na din ako kaka-imagine ng “the aftermath of my sexcapade”.

Fast forward na tayo kasi isang linggo pang paulit-ulit ang scenario na kakabasa mo lang. Binigyan ako ng pregnancy test ng kakosa kong gumawa ng bata. Mga tatlong araw kong ni-review ang Medic: “One Step Urine Pregnancy Test… over 99% accuracy". Isang umaga, napagtanto ko ng ayoko ng mapraning. This is the day. This is the day that the Lord has made! Let us rejoice and be glad indeed. Sabay labas ko ng puting panyo at sigaw ng Siksik! Liglig! Umaapaw! Amen!



Sa banyo ulit, binuksan ko ang karton at sa loob ay may sachet, pipette at booklet entitled “pregnancy test for dummies”. Nanginginig ako habang binubuksan ko ang sachet na kasing sukat ng Cream Silk conditioner na mabibili sa iyong suking tindahan (suggested retail price:3.50 per sachet). Doon ko lang naranasan na manginig ang aking buong katawan ng ganong ka-intense. Sabay nangingilid pa ang luha ko. Sa loob, nakuha ko ang test device.Nilapag ko to sa sahig at kinuha ang pipette at plastic na basong nakuha ko sa kusina.
At ito ang sumunod na pangyayari…
1. Inihian ko ang baso.
2. Mainit-init pa ang ihi ko ng sinawsaw ko dito ang pipette at kumuha ng sample.
3.Pumikit at tuluyan na akong umiyak. (mga 30 seconds)
4.Minulat ko ang aking mapupungay na mata at tinitigan ang palabas sa small screen
5.The nearest distance between two points is a straight line.


6.False Alarm!!!


Nagpapasalamat ako sa Geometry teacher ko na si Mr./Ms. Aquino nung grade four. Buti, hindi ako nakakita ng parallel lines.
I’m definitely back. Margarita, I miss being alcoholic with you.