Wednesday, December 10, 2008

Titigan

Nung ako ay 9 years old, multo at si Tita Joey lang ang kinakatakutan ko dati.

Pero, isang umaga ng Mayo ang bumago dito.

Pagkatapos kong manood ng Sarah ang Munting Prinsesa, napag-isipan kong ayain ang aking kaibigan na si Nora para maglaro. Pakandirit akong tumungo sa eskinita kung saan nakatayo ang bahay nila. Dahil magkakakilala naman ang mgakakapit bahay, hindi na ako kumatok at diretso ko ng binuksan ang pinto. Pagkapasok ko, nakita kong tulog pa pala silang magkakapatid. Hinanap ko sa hilera ng mga natutulog kung nasaan si Nora. Pero, may kakaibang hugis na pumukaw sa aking atensyon. Natigil ang mundo ko. Nakatitig ako sa kuya ni Nora na nakahandusay sa kanilang pulang sahig. Naka t-shirt lamang ito at brief, walang shorts, ni walang kumot na nakatakip sa kanyang legs. Hindi nako makagalaw dahil tutok na tutok ang mata ko sa bukol....

Biglang nagsulputan sa isip ko ang mga size ng ibon na pagmamay-ari ng mga baby at toddlers. Yun lang kasi ang itsura ng etits na alam ko. Maliit na parang ulo ng tinasahang Mongol No. 2 na lapis. Pwede siyang tawaging “cute”. Madalas ko itong natatanaw sa mga beybing nagkalat sa kalsada samin. Marami kasing mga pabayang magulang na uunahin pang mag tong-its kesa suotan ng brief ang kanilang supling.

Ang laki pala ng ilalaki nun. Nakakatakot. Akala ko, hahaba lang siya ng konti, siguro mga 1 inch. Hindi ko inakala na tumataba pala yun. Nakakatakot talaga. Kahit na tahimik na natutulog ang ibon sa loob ng brief, nararamdaman kong ito ay potential danger. Parang may sariling utak ang ibon na yun at alam niyang tinititigan ko siya.

Nang naramdaman kong may kumaluskos, nagpanic ako. Iniba ko ang direction ng aking paningin. Pumasok ang ina ng tahanan na si Aling Edra. “Neng, si Nora ba?. Nako, mamaya pa gigising yan. Sasabihan ko na lang na dumaan ka dito.”, ang sabi niya sa akin. Ang sabi ko na lang “Sige po. Uuwi na po ako.”. Hindi ko na nagawang kumandirit pauwi. Nasa isip ko pa ang nakabukol sa brief ng kuya ni Nora habang naglalakad ako pauwi. Pag-pasok ko ng bahay, naamoy ko ang halimuyak ng paborito kong ulam, Hotdog.

Wednesday, November 19, 2008

Para sa aking kapitbahay.

Noong ako ay nasa elementarya, mahilig ako lumabas ng bahay para makipaglaro. Kaso, ang mga kaibigan ko ay mga pang-hapon sa eskwelahan kaya marami akong oras na papatayin.

12:30
ng tanghali
ako makakarating ng bahay. Habang kumakain, nanonood ako ng MTB o kaya naman EAT BULAGA. Paborito kong segment dati ang Little Miss Philippines, Mr. Pogi, Calendar Girls, Princess Asia at Pera o Bayong.

2:00 hanggang 4 ng hapon:
maaring tulog ako, nanonood ng Christy Per Minute, Flames at Zenki o kaya nakikinig ng radio habang nag pepedicure ang mga tiyahin ko.

Kapag pumatak na ang Alas kwatro
, automatic na ang pagkati ng paa ko. Isang oras pa ang hihintayin ko bago dumating ang aking mga inmates. Sa ganitong sitwasyon, naglalaro ako sa tapat ng bahay namin.

Parking lot ng kapit-bahay namin ang aming kalsada. Luma na ang kotseng ito at araw-araw inaayos ng may-ari. May nakuha akong volleyball noong birthday ko , kaya yun ang nilaro ko. Ayun, tuwang tuwa ako habang naglalaro ako. Binibilang ko kasi kung ilang beses ko napapalo ang bola gamit ang dalawang kamay ko. One, two, three, four....parang naglalaro lang ako ng sipa. Nung mejo pagod na ako, napalakas ang aking pagtira.

Biglang nag slow-motion ang kapaligiran.
Pumalya ang angle ko.
Bigla ako nagkaroon ng KALABAN.
Lumipad ang bola papunta sa kotse ng kapit-bahay namin.
Nakikinita kong palapit siya sa gilid ng kotse.
Lumalapit siya sa side mirror.
Bumibilis ang pintig ng aking heart.
Nagdadasal akong wag nang tuluyang dumampi ang bola sa salamin.
Napapikit ako.
Lumapag ang bola sa lupa.
Yes!!! ang lakas ng dasal ko.

CRRRRRAAACKKK!!!!
Sumunod ang salamin sa bola. Lumapag din siya sa lupa.
Lagot.

Dali-dali kong kinuha ang bola.Tumingin ako sa paligid. Nagchichismisan lang ang mga ale sa labas. Nakita kong halos sa dalawa din lang nahati ang salamin. Kaya pinulot ko ito at sinubukan ko pang ibalik pero hindi na siya kasya. Kaya pinatong ko na lang ito sa ibabaw, malapit sa windshield. Tumingin ako sa paligid, malinis ang trabaho ko, walang Jessica Alfaro.

Kahit wala pang ala-singko, nagmadali akong umuwi habang mahigpit na hawak ko ang bola. Nagulat ang tiyahin ko kung bakit ang aga ko umuwi. Sabi ko “Gusto ko manood ng T.V.”

Hindi ako mapakali habang ako ay nasa sala. Panay ang silip ko kung nakita na ng may-ari ang aking kasalanan. Pag dating ng ala-syete ng gabi, sumilip ulit ako. Sakto, chinecheck ng may-ari ang kanyang kotse. Tinignan niya ang gulong, at mga bintana, pag dating sa windshield nakita niya ang surpresa ko. Ang BASAG NA SIDE MIRROR. Napailing siya habang hawak ang salamin. Konsensyang-konsensya ako noon. Takot naman ako umamin.
Sana mapatawad ako ni Pastor Magsalansan.

Monday, November 10, 2008

Shout Out


This is a shout out for the guy that I am in love with.

I love you Pi!

You make my sunny days much brighter and hotter :P

Thank you for being stable when my ground is shaky. And, for shaking things up when the things aren't rowdy.

tee-hee

Sunday, November 2, 2008

My Daddy Issue

Ilang beses kami umikot ng aking nanay sa Trinoma habang naghahanap ng makakainan. Inisa-isa na namin ang mga kainan sa food court ng Landmark. Sa tagal-tagal ng paglalakad at inisan, nauwi lang kami sa tindahan ng itlog, sa Heaven N' Eggs. Ang objective ng pagpunta namin sa mall ay bumili ng plantsa. Nakakapaso pala yun.

ganito ung nabili naming plantsa. ako ang pumili ng pink.


Habang naghihintay kami sa binating itlog, nagdaldalan kami ng nanay ko. Unang pinag-usapan namin ang pagbili ng oven.Ito ay para sa ipamimigay naming pamaskong regalo na blueberry cupcakes. Wala daw siyang enough na pondo to buy an oven. Dahil napag usapan ang pera, bigla niyang naalala ang tatay ko na hindi na nagpaparamdam at tumigil na magpadal ng pera. (Ang aking ama ay nasa Sydney kasama ang mga anak niya sa pangalawang asawa na yumao na. Sumalangit nawa si Lou-Lou). Syempre, dahil naisingit ang tatay ko sa usapan, negative na agad ang energy.

Habang tinitikman ko ang nakahaing binating itlog na may gulay

biglang sinabi ito ng nanay ko:

“Yung tatay mo, ang sama nun, dati gusto ka niyang...”

Ako: “Ipa-abort”

Nanay: “Paano mo nalaman?”

Ako: “Naramdaman ko lang. I can tell from his ugali.”

Nanay: “May balak na kasi siyang mag abroad noon. Diba nga naloko pa siya ng agency na dapat magpapadala sa kanya sa Saudi. Ayun, inaasikaso na kasi niya ang papel niya sa Australia.”

Ako: natulala

Hindi ko alam na posible pala talaga yun. Akala ko sa teleserye lang pwede mangyari ung “nakatitig sa kawalan for 20 seconds” dahil sa shock.

Nanay: Huwag mo na isipin yun, dati pa naman yun eh.

Ako: Alam mo ma, nung sinabi niya yun dapat hiniwalayan mo na siya.

Nanay: Hindi ko kasi kakayanin mag-isa dati. Kulang ang kinikita ko.

Ako: Putangina, ipapadeport ko talaga siya. Paano ba yun ma. Paano kung gusto ko siyang ipa-deport?

*** My father used his nickname as his first name when he went to the land down under. Nag-asawa siya ng pinay na Australian citizen para makakuha ng trabaho. Oo, pumayag ang nanay ko sa ganong set-up. Ang nangyari, hindi na pinakawalan ni Lou-Lou ang tatay ko. Wala sa usapan na magkakaanak si tatay at si Lou-Lou.

Nanay: Huwag. Paano naman yung mga batang anak niya doon, nakakaawa.

Ako: Leche, wala akong pakialam sa mga batang yun.

Nanay: Pag pinadeport mo ang tatay mo, uuwi lang yun dito. Saan pa siya pupunta, baka sa atin din makitira yun.

Ako: Bwisit!

Walang na akong ibang naisagot sa ng nanay ko. Tangina, kahit anong gawin ko talo ako at mananatiling winner ang tatay ko.

P.S. : Ang ganda ng t-shirt




Saturday, September 13, 2008

Nanlalagkit sa Inggit

Nagsumikap magtrabaho si Mama at Papa para mapag-aral ako sa isang pribadong paaralan. Dahil nabigyan ng pagkakataon na makapagtrabaho ang tatay ko sa bansa ng mga kangaroo, naging madali ang pag-abot sa kanilang hangarin na mabigyan ako ng magandang edukasyon. Ang nanay ko ay masipag na nagtatrabaho sa isang Real Estate Co. sa Manila. Payak lang ang buhay namin. Pinilit i-budget ni Mama kung magkano man ang pera namin. Masaya ako dahil makakapag-aral na ako sa wakas. Hindi ko alam na dito ko unang mararamdaman ang tinatawag na self-pity.

Ito ang mga naging problema sa paaralan na puro shala-shalahan ang tao at may manaka-naka pang artistang estudyante.

Taong 1992-1998.

  1. Ang baon ko ay nag-umpisa sa P10, yung mga kaklase ko mga P30-50. Lagi ko tuloy kinakain noon ay siopao. Nakakahiya nga kasi wala akong pambiling french fries. Nakikihingi tuloy ako palagi. Shet, purita.

  2. Tuwing pumupunta ako sa bahay ng mga kaklase ko, naglalaway ako sa dami ng laruan nila. Ang bilang ng Barbie na napasakamay sa akin ay tatlo. Lahat sila napugot pa ang ulo. At hindi ko sila magawang bigyan ng “change-outfit-moment”, ang mahal kasi. Ang polly pocket ko isa lang. Pero meron akong lutu-lutuan na hinulma gamit ang clay, galing pa sa Isabela. Wala sila nun.

  3. Wala kaming sasakyan. Hindi naman sana problema ang pag-commute. Kaso ang hirap sumakay ng jeep dahil meron pang dalawang paaralan na malapit sa eskwelahan ko. Punuan tuloy lagi. Hindi naman kami pwedeng sumabit ng sundo ko. Ang ending, naglalakad kami pauwi. Tapos, de-padyak na lang papunta sa looban. Ang itim ko tuloy nun, yucky. Ang puputi pa naman ng mga kaklase ko.

  4. Antenna lang ang nakakabit sa t.v. namin. Hindi tuloy ako maka sabay sa mga usapan kapag ang mga binabanggit na nila ay Johnny Bravo, Dexter's Laboratory, mga palabas sa HBO, Discovery Channel ,Cinema One at yung videoke kung saan nagmula ang MYX.

  5. Hindi ko naranasan magkaroon ng pager. Alam ko, hindi ko naman talga ito kailangan. Pero outcast ako pag nagtanungan na ng, “Neng, can I have your pager no.?” Hindi masidhi ang sakit na naramdaman ko dito dahil pinagbabawal naman dalhin ang pager sa school. Sa tingin niyo, pinamigay ko ba ang no. ng imaginary pager ko?

  6. Ang amoy. Ang babango nila. Hindi naman sa mabaho ako ah. Minsan tinanong ko yung kaklase ko kung ano ang pabango niya: “Ito, GAP na color purple”. Tumango-tango lang ako. Ang akin kasi ay Johnson & Johnson's Baby Cologne: Morning Dew Scent.

  7. Tamagotchi. Pati mga lalake kong kaklase meron nito. Nakikitingin lang ako at minsan nakikialaga. Sabi ng nanay ko, hindi daw ako makakapag-aral mabuti pag binigyan niya ako nun.

  8. Wala kaming sariling landline. Nakikigamit lang kami sa aming land lady sa halagang P2/ limang minuto. Kapag gusto makipag tsismisan ng mga kaklase ko naririnig muna nila ang malakas na sigaw na “Neneng, kaklase mo... telepono”. Nasa second floor pa kasi yung landlady, tapos sa terrace siya sisisgaw kaya rinig ng mga kapitbahay. Pinagagalitan pa nga ako minsan ng nanay ko kasi tawag ng tawag mga kaklase ko.


Lahat ng pinagmumulan ng inggit ko ay mga luho. When I was a kid it was difficult for me to ignore the fact that some kids get to have everything they want and I dont. Naging mahirap sa aking labanan ang inggit. Pero, gumawa pa rin ako ng paraan. Anong meron ako? Mga kwento ng laro namin sa kalsada. Mga kaibigan ko sa bahay ay nag-aaral sa public school. Dahil kapos sa pera, napaka resourceful ng mga kaibigan ko. Lahat na ata ng larong kalye nagawa na namin. Yan naman ang panlaban ko nung elementary. Bata pa lang ako, natuto na ako kung paano ba mag entertain ng tao sa pamamagitan ng pagkukwento. Ano ang batayan na nag-eenjoy ang aking audience? Tumatawa sila. Idaan mo lang dun, cool ka na! Yeah!

Tuesday, August 12, 2008

If these vaginal walls could talk

My menstrual cycle went bonkers.

I had two consecutive ob-gyne check-ups and a transvaginal ultrasound within a week.

Diagnosis: Hormonal Imbalance.

Consequently, I was put into an oral pill frenzy for 21 days.

My doctor suggested that I conceive a baby before I reach the age of thirty.

I am 22 years old and freaked out.

I should have been reckless and had myself knocked-up.

I shall delete my first entry.

I shall practice how to dance Obando style.

My lover will be leaving months from now.

Shall I (temporary) stop taking the pills and tie him in a four post bed?

On a positive note: The pills have some anti-androgen substance that gets rid of pimples and unwanted facial hairs. I noticed that my skin is more supple, smooth and radiant. Panis ang nag Chin-Chan-Su.

Tangina na lang kung imagination ko lang ang pagkinis ko.

Sunday, August 10, 2008

Do I?


I always thought that the idea of marriage wouldn't haunt me until the age of 30.

Just recently, I was confronted by this situation: Lover told me that once he have established life abroad, he will come back to fetch me. He will be leaving soon and will be staying there for quite a long time.

I feel ecstatic and pensive at the same time.
Ecstatic because this guy wants to live a life with me. It is difficult to imagine who would like to marry a quasi-domesticated gal. I'd rather work my ass off earning a living then paying somebody to maintain the household. I might do some cooking but that would be dependent on my mood. When I was younger, I pictured myself with a kid and no husband to deal with. I always thought that life would be better that way. Oh, and I even have this dark desire of being a mistress.

Primarily, can I survive the initial change? I don't know. After four years of being with him, I've asked for a break up claiming that long distance relationship is too difficult for me. He easily granted my wish because of disappointment. I felt his frustration. I felt his pain.

I had my fair share of sleepless nights and tired eyes from the break up.

I think calling it quits softens the blow.

P.S. We decided to spend the remaining months dating... each other.

Saturday, August 9, 2008

Reminiscing sa riles


Minsan napag pasyahan namin ni ina na pumuntang Mall of Asia. Galing sa Quezon Avenue, sumakay kaming MRT para makarating sa Taft. Pagkapasok ng MRT nakaupo naman kami agad.
Habang binabaybay ang kahabaan ng EDSA, bigla naalala ni Ina ang nangyari sa akin sa LRT nung ako'y bata pa.

Ina: Anak, natandaan mo nung muntik ka ng mahiwalay kay Ate Becky mo? (ang aking mabuting yaya)

Neneng: Ah, oo yung biglang nagsara ung lecheng pintuan ng LRT.

Nagtawanan kami ni Ina.

Minsang papunta kami ni Yaya sa kanyang kaibigan na nagtatrabaho sa EVER Caloocan, muntik na kaming magkahiwalay ng tuluyan. Nauna kasi ako pumasok sa LRT at dahil tulakan ang mga tao nahuli si Yaya. Biglang nagsara ang pintuan na siyang naging barricade sa aming dalawa.

Ina: Ano kayang nangyari kung hindi na ulit bumukas ung pinto at dumiretso ka na sa Monumento?

Neneng: Iniisip ko nga nun, baka naging pulubi na ako.

Ina: Oo nga no? Kung saan-saan ka kasi dinadala ni Ate Becky mo.

Pinagsusuntok ko at pinagtatajakan ang pinto, bumukas naman. Tapos hinagkan ko ang yaya ko na parang walang bukas. Buti na lang, kundi baka rugby na ang sports ko ngayon.

Ina: Eh anak, diba sa EVER Caloocan din yung natae ka dati tapos wala tayong tissue. Kabang-kaba ako nun habang nasa grocery... madaling

Neneng: (Namumula dahil ang lakas ng boses ni Ina)

Ina: madali nga ako nung bumibili ng tissue at balikan ka sa CR. Baka kasi may kumidnap sayo bigla.

Neneng: Sino ba namang magnanakaw ng batang tumatae sa loob ng cubicle, aber?!

on the speakers: Taft Station!

Saturday, April 12, 2008

Ang aking MRT


I have been working in Makati for more than 1 year and a half. A quarter of that time was spent working and the remaining time is divided into sleeping, unwinding and COMMUTING.

I have been a commuter since I was a kid. I grew up in the arms of Jeepney drivers, De Padyak Drivers, Tricycle Drivers, Toda Drivers, LRT Drivers, FX Drivers and MRT Drivers (daming boys). From a long time of commuting, I can proudly say na substantial na ang experience ko.

My recent struggle is my journey from Buendia to Quezon Avenue via Metro Railway Transport on a rush-hour. This is not an easy task. I consider this a test of one’s character.

Procedure:

Pagbili pa lang ng ticket, mapupunterya na ang pasensya mo sa haba ng pila at dami ng tao.
Pagkatapos bumili ng ticket, pipila ka naman para makapasok sa Buendia Station.
Tapos, tulakan naman papasok ng tren.
Tulakan ulit palabas ng tren.
Pila na naman, palabas ng Quezon Avenue Station.
Pagbaba, pila ulit pasakay ng Fairview.

Hindi naman nakakasawa ang pagpila dahil nasasaliwan ito ng konting pagtulak.
If you get to have this everyday, for a month, you will get the hang of it. The MRT ride will just be a part of your everyday routine. Once you get the hang of the pagpila, the next hurdle would be your fellow MRT fan.

Sari-sari ang tao sa MRT. May mayaman, maarte, payak ang buhay, dukha, antukin, ma-pasma, madaldal, masungit at madami pang iba.

Ito ang aking mga unforgettable characters:
Dito ako nakakita sa personal ng Balahurang Manong. Hindi natatapos ang kanyang pangungusap ng walang mura/s (plural).

Halimbawa: Putangina ng gagong yun, kung alam ko lang na ganon ang lintik na hayop na yun…. Yung kasunod parang Bullshit or Bitch ata yun sa wikang Latin. Di ko na ma-gets.

Pinoy Idol – Naka-ipod, naka-hawak sa pole at kumakanta. Hindi ko makakalimutan ang pagkanta niya ng “I could not ask for more” ni Edwin McCain na lumalakas ang volume tuwing sasapit ang Chorus. In fairness, tama ang lyrics niya. Napakanta din ako, sa isip ko nga lang.

Nagpapatawa di naman kalbo. Sa sobrang sikip sa MRT napabulalas si nanay ng ganito habang ngumingisi. “Sige, lapit pa, pag-nagkapalit tayo ng mukha mamalasin ka” Walang natawa.

Call Sen-errrr Agent. Sa sobrang sikip ng MRT, hindi makalabas ang binibini. Naipit talaga siya at kitang-kita ko ang pagpiglas niya sabay pag-sigaw ng “LEMME’ OUT! LEMME OUT!”. Ang sarap hatawin ng face.

Leaning tower of Pisa. Minsan nasandalan ang ka-office mate ko, panay parinig niya ng “Ano ba ako sofa?”, “Tignan niyo nga baka tulog na yang nasa likod ko” at “Ang bigat, humawak naman sana”. Madami pa siyang sinabi pero, hindi umepekto kay nanay yung mga linya niya. Nakasandal yung Ale from Buendia hanggang Ortigas Station.

An old friend. Narinig ko lang ito.
Friend 1(Single): Nakatayo sa loob ng MRT.
Friend 2 (Married): Uy, Nimpha! How are you?
Friend 1: (surprised) Ito, nagtatrabaho pa rin sa Makati. Eh kaw?
Friend 2: Im good. Oh, you’re goin out on a date?
Friend 1: Hindi, pauwi na ako. How’s your baby?
Friend 2: Ayun, she’s crawling already. Ikaw, you should have a baby na!
Friend 1: Nye, wala pa ngang boyfriend eh.
Friend 2: Ahhhh. (polite smile)
(Awkward silence)
Friend 1: Sige, Ursula dito na ako.Bye
Friend 2: Bye.

Epal si friend 2!!!

Divisoria


Divisoria... magulo, maraming tao, maingay, siksikan, intsik, whole sale, baratan, murang bilihin, Paraiso ng mga kuripot.

Talaga nga namang mura ang bilihin sa Divisoria at marami pang pagpipilian.

Gaya ng mga sumusunod:kurtina, ponkan, babasaging baso na tig 20-pesos,mga pinggan na may drawing na winnie the pooh (aakalain mong si winnie monsod kasi hindi maganda ang pagkakadrawing), pusang ginto na kumakaway, hikaw, relo, shorts, pantalon, panty, bra, flashlight, kutsilyo, baril-barilan, lutu-lutuan... at iba pa

Kaso, sa Divisoria... NO PAIN, NO GAIN. (Lalo na pag buwan ng Disyembre, aakalain mong may People Power na naman sa dami ng tao) Kung claustrophobic ka, wag ka ng mag ambisyon na pumuntang Divisoria kapag Pasko. Malamang, aatakihin ka.

Mga tips sa pagpunta sa Divisoria: Dumaan muna ng Binondo Church para sa iyong proteksyon.

1. Magsuot ng damit na simple at magaan sa katawan para hindi masyado mainitan (mas maganda ung pang work-out sa gym).

2. Ang mga burloloy na gold, white gold at silver ay iwan muna sa bahay (baka makakita ka ng pinoy version na Tarzan.Gagawin nilang bagging ang tenga mo).

3. Itago ang pera ng mabuti. (Pwede mo din itago sa bra, sa sapatos o kaya medyas).

4. Maghanda sa pambabarat (mas mainam kung magpapractice ka muna sa talipapa o kaya naman sa palengke na malapit sa inyo)

5. Kung hindi mo trip ang plastic na may stripes na red at white... magdala ng sariling sisidlan. (suggestions: paper bag,sako ng bigas at garbage bags para sa mga malaking bibilhin).

6. Kumain bago mag-shopping. (mahirap ng mahimatay dun... gagawin ka lang nilang doormat)

7.Huwag kang reklamador. Mainit at makipot ang bilihan dun... at hindi lang ikaw ang henyo na nakaisip na dapat makamura sa bilihin.

8. Kung gusto mo makahinga ng mabuti huwag sumigaw ng "STAMPEDE". Hindi ka sasantuhin ng mga tao dun. Higit sa lahat hindi ka maiintindihan ng mga Intsik. Magdala ka na lang oxygen tank.

9. Magdala ng tape recorder. Ulit-ulitin ang salitang excuse me... mauubos ang laway mo kakasabi niyan sa sobrang dami ng mamimili.

10. Huwag ka masyado mag inhale-exhale... Baka kung anong kumbinasyon ng hangin ang masipsip mo.Sa exhale naman, isipin mo din ang kapakanan ng mga tao sa paligid mo.

12. Magdala ng daga baka ito ay magdala naman sayo ng SWERTE!

HAPPY YEAR OF THE RAT!!