Wednesday, November 19, 2008

Para sa aking kapitbahay.

Noong ako ay nasa elementarya, mahilig ako lumabas ng bahay para makipaglaro. Kaso, ang mga kaibigan ko ay mga pang-hapon sa eskwelahan kaya marami akong oras na papatayin.

12:30
ng tanghali
ako makakarating ng bahay. Habang kumakain, nanonood ako ng MTB o kaya naman EAT BULAGA. Paborito kong segment dati ang Little Miss Philippines, Mr. Pogi, Calendar Girls, Princess Asia at Pera o Bayong.

2:00 hanggang 4 ng hapon:
maaring tulog ako, nanonood ng Christy Per Minute, Flames at Zenki o kaya nakikinig ng radio habang nag pepedicure ang mga tiyahin ko.

Kapag pumatak na ang Alas kwatro
, automatic na ang pagkati ng paa ko. Isang oras pa ang hihintayin ko bago dumating ang aking mga inmates. Sa ganitong sitwasyon, naglalaro ako sa tapat ng bahay namin.

Parking lot ng kapit-bahay namin ang aming kalsada. Luma na ang kotseng ito at araw-araw inaayos ng may-ari. May nakuha akong volleyball noong birthday ko , kaya yun ang nilaro ko. Ayun, tuwang tuwa ako habang naglalaro ako. Binibilang ko kasi kung ilang beses ko napapalo ang bola gamit ang dalawang kamay ko. One, two, three, four....parang naglalaro lang ako ng sipa. Nung mejo pagod na ako, napalakas ang aking pagtira.

Biglang nag slow-motion ang kapaligiran.
Pumalya ang angle ko.
Bigla ako nagkaroon ng KALABAN.
Lumipad ang bola papunta sa kotse ng kapit-bahay namin.
Nakikinita kong palapit siya sa gilid ng kotse.
Lumalapit siya sa side mirror.
Bumibilis ang pintig ng aking heart.
Nagdadasal akong wag nang tuluyang dumampi ang bola sa salamin.
Napapikit ako.
Lumapag ang bola sa lupa.
Yes!!! ang lakas ng dasal ko.

CRRRRRAAACKKK!!!!
Sumunod ang salamin sa bola. Lumapag din siya sa lupa.
Lagot.

Dali-dali kong kinuha ang bola.Tumingin ako sa paligid. Nagchichismisan lang ang mga ale sa labas. Nakita kong halos sa dalawa din lang nahati ang salamin. Kaya pinulot ko ito at sinubukan ko pang ibalik pero hindi na siya kasya. Kaya pinatong ko na lang ito sa ibabaw, malapit sa windshield. Tumingin ako sa paligid, malinis ang trabaho ko, walang Jessica Alfaro.

Kahit wala pang ala-singko, nagmadali akong umuwi habang mahigpit na hawak ko ang bola. Nagulat ang tiyahin ko kung bakit ang aga ko umuwi. Sabi ko “Gusto ko manood ng T.V.”

Hindi ako mapakali habang ako ay nasa sala. Panay ang silip ko kung nakita na ng may-ari ang aking kasalanan. Pag dating ng ala-syete ng gabi, sumilip ulit ako. Sakto, chinecheck ng may-ari ang kanyang kotse. Tinignan niya ang gulong, at mga bintana, pag dating sa windshield nakita niya ang surpresa ko. Ang BASAG NA SIDE MIRROR. Napailing siya habang hawak ang salamin. Konsensyang-konsensya ako noon. Takot naman ako umamin.
Sana mapatawad ako ni Pastor Magsalansan.

Monday, November 10, 2008

Shout Out


This is a shout out for the guy that I am in love with.

I love you Pi!

You make my sunny days much brighter and hotter :P

Thank you for being stable when my ground is shaky. And, for shaking things up when the things aren't rowdy.

tee-hee

Sunday, November 2, 2008

My Daddy Issue

Ilang beses kami umikot ng aking nanay sa Trinoma habang naghahanap ng makakainan. Inisa-isa na namin ang mga kainan sa food court ng Landmark. Sa tagal-tagal ng paglalakad at inisan, nauwi lang kami sa tindahan ng itlog, sa Heaven N' Eggs. Ang objective ng pagpunta namin sa mall ay bumili ng plantsa. Nakakapaso pala yun.

ganito ung nabili naming plantsa. ako ang pumili ng pink.


Habang naghihintay kami sa binating itlog, nagdaldalan kami ng nanay ko. Unang pinag-usapan namin ang pagbili ng oven.Ito ay para sa ipamimigay naming pamaskong regalo na blueberry cupcakes. Wala daw siyang enough na pondo to buy an oven. Dahil napag usapan ang pera, bigla niyang naalala ang tatay ko na hindi na nagpaparamdam at tumigil na magpadal ng pera. (Ang aking ama ay nasa Sydney kasama ang mga anak niya sa pangalawang asawa na yumao na. Sumalangit nawa si Lou-Lou). Syempre, dahil naisingit ang tatay ko sa usapan, negative na agad ang energy.

Habang tinitikman ko ang nakahaing binating itlog na may gulay

biglang sinabi ito ng nanay ko:

“Yung tatay mo, ang sama nun, dati gusto ka niyang...”

Ako: “Ipa-abort”

Nanay: “Paano mo nalaman?”

Ako: “Naramdaman ko lang. I can tell from his ugali.”

Nanay: “May balak na kasi siyang mag abroad noon. Diba nga naloko pa siya ng agency na dapat magpapadala sa kanya sa Saudi. Ayun, inaasikaso na kasi niya ang papel niya sa Australia.”

Ako: natulala

Hindi ko alam na posible pala talaga yun. Akala ko sa teleserye lang pwede mangyari ung “nakatitig sa kawalan for 20 seconds” dahil sa shock.

Nanay: Huwag mo na isipin yun, dati pa naman yun eh.

Ako: Alam mo ma, nung sinabi niya yun dapat hiniwalayan mo na siya.

Nanay: Hindi ko kasi kakayanin mag-isa dati. Kulang ang kinikita ko.

Ako: Putangina, ipapadeport ko talaga siya. Paano ba yun ma. Paano kung gusto ko siyang ipa-deport?

*** My father used his nickname as his first name when he went to the land down under. Nag-asawa siya ng pinay na Australian citizen para makakuha ng trabaho. Oo, pumayag ang nanay ko sa ganong set-up. Ang nangyari, hindi na pinakawalan ni Lou-Lou ang tatay ko. Wala sa usapan na magkakaanak si tatay at si Lou-Lou.

Nanay: Huwag. Paano naman yung mga batang anak niya doon, nakakaawa.

Ako: Leche, wala akong pakialam sa mga batang yun.

Nanay: Pag pinadeport mo ang tatay mo, uuwi lang yun dito. Saan pa siya pupunta, baka sa atin din makitira yun.

Ako: Bwisit!

Walang na akong ibang naisagot sa ng nanay ko. Tangina, kahit anong gawin ko talo ako at mananatiling winner ang tatay ko.

P.S. : Ang ganda ng t-shirt