Sunday, November 6, 2011

Wala naman palang Santa Claus!

After a long time, ngayon na lang ulit ako nagka-crush. Yung tipong hindi mo magawang maging ikaw sa harap niya dahil nalulunod ka na sa pagiging "conscious" mo. Hindi ka makatawa na kita ang ngala ngala mo. Ni hindi mo din ma-share ang balahura humor mo dahil baka isipin niyang hindi ka disenteng babae. Dapat, pag nandiyan siya, hindi ka mang babad mouth ng tao.

I think it all boils down to being presentable. In a way, you were trying to be perceived as a probable partner. Meaning, eventhough you aren't aware (yet) of the standards of this certain person that you are eyeing, there is a certain template that was lodged inside your head. This template was created through the help of your own experiences, rumors from your girlfriends, society's expectations, Hollywood films, and Star Cinema's chic flick.
Here are some examples:
1. You should not laugh so much as it distorts your face and it implies that you can't seem to control yourself.
2. Cursing. A lady does not curse. Since cursing seem to be the antonym of decent.
3. During discussion over bottles of alcohol, you wanted to bad mouth your friend but doing so will decrease your inner beauty score.
4. Your appetite just made a landslide descent. You wanted to welcome the sticks of hotdog with marshmallows inside your mouth but you can't seem to do so. He might think that having you as a girlfriend will entail loads of bucks during your dinner date. Of course, you wanted him to perceive that you are health and figure conscious.

Ilang araw na rin na iniisip ko, paano pag nagkita kami ulit. Ano dapat ang suot ko? Maganda dapat ang make-up ko. At higit sa lahat, hindi ko siya papansinin. Dahil ang tunay na babae ay pakipot. CHAROT!

Katulad ng palabas ng Sex and The City, mahilig talaga mag interpret ang mga babae. Por que, nagkaron kayo ng eye contact, tinagayan ka ng alak, natawa sa joke mo, nagkaron kayo ng quasi-conversation sa status ng common friend, parehas kayo ng trip na kanta, natatawa kayo sa isang palabas, at nababanggit ka pag may kausap siyang iba, eh feeling mo tumataas ang score mo bilang "probable partner". Hindi talaga healthy ang pag-iinterpret, dahil madalas hindi naman ito objective. Madaling i-twist ang mga detalye para lumabas na type ka niya. Endorphin galore ang nasa brains ko kapag ito ang naiisip ko. Kaya nitong pasayahin ang aking buhay ng halos isang araw.

So, mga ilarang araw ko ginawa ang interpretation. Ilang araw din akong may self-inflicted natural euphoria. Pero, kung titignan talaga, ng walang halong Sex and The City interpretation, friendly lang ang tao, hindi niya ako type. Nung napagtanto ko yun, naramdaman ko yung naramdaman ko ng nalaman kong wala naman palang Santa Claus.

Friday, March 18, 2011

Buhay ayon sa aking mga estudyante

Habang nanonood kami ng isang video tungkol sa Plasma bilang state of matter....
biglang may lumabas na haponesa.
Student: Teacher, you look like a brown Japanese.

Student: Teacher, kailan ka mag didiet?
Ako: Huh?! Bakit?
Student: Nyeh!

Student: Teacher, hindi sayo bagay ang straight ang buhok. Magpakulot ka na lang ulit.

Student: Teacher, kapag gusto mo, reply ka ng reply. Kapag ayaw mo, huwag mong replyan.

Student: Teacher, dapat buhok lang niya ang tumatakip sa dibdib niya para mas natural.

Student: Sino sa inyo ng boyfriend mo ang blind? (Love is blind)

Student: Teacher, can I kiss you because you gave me this (referring to a notebook).

Student: Teacher, why are they called Egyptians?
Ako: We call them Egyptians because they are from Egypt. Just like you, since you live in the Philippines, you are called? What should I call you?
Student: NO Egyptian.

Student: Teacher, bakit ka lagi nakadress pag Science?
Ako: Hindi naman, mainit lang kasi ngayon.
Student: Siguro, hindi kasya sayo ang pants.

Ako: Ang ingay! Itigil na yang kaka boom box na yan ah!
Sandaling katahimikan
Student: Teacher, beat box!

Ako: Dapat ang pangungusap nag-uumpisa sa malaking titik. Kaya dapat malaki ang titik O.
Student: Malaking titik O daw!
Ako: Itigil na yan.

Isisi sa Buwan

Ang dami kong backlog dahil sa poor time management.

Ang hirap kapag ang trabaho mo may kaakibat na assignment.

Nakakapagod.

Kagabi, pinanood ko ang Bridget Jone's Diary para mabawasan ang stress.

Huli ko itong napanood nung ako ay nasa hayskul pa. Dati, naiyak ako sa relief na naramdaman ni Bridget nung hindi siya iniwan ni Colin Firth kahit nabasa niya ang bad-mouthing na ginawa ni girl. Natakot ako noon sa kaisipan na paano nga naman kung hindi ko mahanap ang aking kabiyak.

Ten years matapos ko ito mapanood, umiyak pa rin ako. Mas madami ang iniyak ko. Sinama ko na rin kasi ang pagod ng trabaho, frustration sa pagdisiplina ng mga bata, pag-aantay sa wala, at kulang sa tulog.

Napaka-emotional ko kanina. Umiiyak ako habang papasok ng trabaho. Ganun pala kapag pagod ka na nang husto. Para akong ofw na first time lilipad patungong Taiwan para magtrabaho. May I luha ako sa kahabaan ng Quezon Avenue.

Pero, nakalimutan ko din naman agad na malungkot ako. Iba talaga ang vibe ng school.
Nagkaroon kasi ng mini-concert kung saan sumayaw ang mga estudyante ng Baby ni Justin Bieber. May isa akong estudyante na nagmamadaling sumayaw, na parang gusto ng tapusin ang presentation. Salamat sa kanya, naluha ako kakatawa.

Siguro, ang buwan, kayang i-attract ang laman ng tear glands kaya iyak ako ng iyak.

Sunday, August 15, 2010

Pick-up Chicks

Naalala ko lang bigla ang nangyari sa eve ng aking 19th birthday.

Pagkatapos manood ng "A lot like love", nagpunta kami ng Timog ng aking girl friend. Isang tabo ng beer sa kanya habang nag tequila sunrise ako. Jampacked ang class b- na bar. Sa kabilang table, may Kapamilya reporter with her two drinking buddies. Pangalanan natin silang, drinking buddy 1 at drinking buddy 2. Dahil sadyang malandi ang kasama ko, nag-sign siya ng cheers sa adjacent table na iyon. Para yun sa drinking buddy ni reporter.

Nakakatawa ang ginawa niya ngunit nakakahiya. Nagtawanan lang kami. Maya-maya nakaramdam ng call of nature ang kaibigan ko. Nung iniwan niya ako upang mag banyo, inabutan ako ng tissue ni drinking buddy 1. Sabi,para sa akin daw at galing daw yun kay drinking buddy 2. Hindi ko muna binasa. Una, nakakahiya. Pangalawa, baka may sipon sa loob at pinagtitripan lang ako. Inabot ko na lang sa kaibigan ko pag dating niya. Nakalagay dun "Call me (Insert Name) (Insert Number)." Sumenyas ang kaibigan ko sa kabilang table. Hindi ko alam para saan yun.

Maya-maya, may lumapit na waiter sa amin. May nanghihingi daw ng pangalan at cellphone number ko. Sabi ko, "eh, nasaan siya?". Pinilit na ituro ni kuya ang lalake pero sadyang malabo na ang mata ko nung mga oras na yun. Sabi ng kaibigan ko sige na, ibigay mo na. Dahil nga "It's the eve of my last teen year", gora, binigay ko ang pangalan at number ko. Nung nasa taxi na kami ni friend, tinext ako nung lalake, hi daw at bakit di ko siya pinansin. Sa totoo lang, di ko siya nakita. Parang tanga lang.

Maya, maya pinilit ako ng kaibigan ko na tawagan o itext si call me. Natatakot ako pero the pokpokish girl within me surfaced. Sabi ko, ok. Tinext ko nga. Di ko na maalala anong sinabi ko. Ang reply ay mag kita daw kami sa Pier one. Hindi kami nag-appear ni friend. Nakaramdam kami ng takot. Kaya, pumunta na lang kami sa bahay ng kaibigan ng kaibigan kong lalake (Oo, second degree). Doon ko sinalubong ang birthday ko.

Puro lalake, alkohol at yosi ang gabi na yun. Puro kalandian rin. Napagtanto ko sa buhay talaga, may araw na mabenta ka.

Tuesday, June 22, 2010

Tili.

Ang mga Pinoy ang hilig tumili.

Ito ang mga pagkakataon kung saan madalas tumili ang nakararami sa atin.

Sa pyesta, bago mag umpisa ang Ms. Gay contest.

Kapag rumarampa na ang mga beautiful badidangs. Lalake ang madalas tumitili dito. Hindi mo maintindihan kung natutuwa ba siya o nang-aasar lang. Awwww!

Kapag may pa-liga si Mayor.

Kapag may artistang dumating sa pyesta. Kiber kung d-list ang artista.

Biglang pagkawala ng kuryente o brownout.

Pag balik ng kuryente. Minsan may kasama pang palakpak.

Pag nagulat.

Pag biglang nag announce sa AM radio na walang pasok sa eskwela.

Pag may napadaan na gwapo at namataan ito ng mga dalaginding na tumatambay. Ayyyy, papa!

Bago sabihin ang BINGO! titili muna ang nanay na nanalo. Ayyyyy!

Mga nanay na nagchichismisan sa kanto. Pag juicy ang chismis, magtitilian sila.



Saturday, June 19, 2010

ay nagtuturo.

Oo, guro na ako ngayon. Hindi na mamasang. chos.

Hirap na ako makapag-blog kasi gawa ako ng gawa ng lesson plan, visual aids, at worksheets.

Nung unang araw ko sa pagtuturo, sabi ng isang grade 2 student sa akin.

"Teacher, ang taba mo." Sabay naman nang paghawak niya sa akin.

Sana, wala na lang bantay bata. hahahaha.

Monday, August 10, 2009

I love Theology

Four years ago sa isang exclusive school, sa second floor ng college building, Theology class, first row. Paborito kong pwesto. Hindi ko na nga lang maalala ano ba ang specific discussion basta alam ko nung 4th year Contemporary Theology ang subject.

Dahil nga Theology, tahimik ang klase. Wala masyadong nag vovolunteer na mag recite. Isa pa, gutom ang mga tao dahil before lunch ang subject. Kating-kati na ang karamihan para kumain.

Daldal lang ng daldal ang Prof. Masyadong into-it si Sir sa pag kwento ng personal experiences niya in relation to our topic.... ng biglang...

Professor: Ano nga yung tawag sa taong may tama sa ulo?

-- Katahimikan ng mga 30 seconds --

Ako: Sir, poknat?

Mali ang sagot ko. Ang hinahanap lang palang term ni Sir ay Baliw.